Sklasyfikowano na podstawie: origin-in-text
— nationality named in the ad text
👤 Ogłoszeniodawca
She Ng
Treść ogłoszenia
Bakit Poland ang Pinili Ko Kaysa sa Ibang Bansa sa Europe? 🇵🇱❤️
Noong 23 years old ako, pangarap ko nang makapagtrabaho abroad. Na-inspire ako sa kapatid ko na nag-abroad, kaya ginawa kong stepping stone ang Hong Kong.
Hindi naging madali ang buhay ko roon. Iba't ibang employer ang napasukan ko, naranasan ko ang pagod, puyat, homesick, at pakikisama. Pero tiniis ko ang lahat dahil alam kong may mas magandang plano si Lord para sa akin.
Sinubukan ko ring mag-apply bilang au pair sa Europe, pero hindi ako pinalad. Hindi ako sumuko. Patuloy lang akong nangarap at naghintay sa tamang pagkakataon.
Dumating ang panahon ng COVID, at nagkaroon ng hiring papuntang Poland. Sabi ko sa sarili ko, "Kung para sa akin ito, ibibigay ito ni Lord." 🙏
At dumating nga ang araw na natanggap ako. Hindi ko maipaliwanag ang saya at pasasalamat na naramdaman ko. Sa wakas, natupad din ang pangarap kong makapagtrabaho sa ibang bansa at makalaya sa sitwasyon ko noon sa Hong Kong.
Bakit Poland?
🇵🇱 Maganda ang work-life balance.
🇵🇱 Maayos ang sahod.
🇵🇱 Legal at secure ang trabaho.
🇵🇱 Tahimik at maayos ang pamumuhay.
Para sa akin, isa ang Poland sa pinakamagandang bansang mapagtrabahuhan.
Sa lahat ng mga kababayan kong nangangarap mag-cross country, huwag kayong susuko. Patuloy lang kayong mangarap, magsikap, at magtiwala kay Lord. Darating din ang tamang pagkakataon para sa inyo.
At kung balak ninyong mag-cross country, pumili nang mabuti. Siguraduhing legal at maayos ang inyong lilipatan. Tandaan, sa abroad, ang pinakamalaking kakampi mo ay ang sarili mo.
Keep going, Kabayan. Darating din ang dream country mo sa tamang panahon. ❤️🇵🇭🇵🇱✨
Malayo pa ang journey ko pero malayo narin ang narating ko. Salamat lord sa bawat pagsubok at bawat biyayang ipinagkaloob mo. Para sa lahat ng nangangarap, wag kayong susuko. Darating din ang tamang panahon para sa inyo..🙏🇵🇭🇵🇱
#OFWJourney #KeepDreamingKeepFighting #OFWPOLAND #proudOFW
Shared from page: She Ng
Posted by: She Ng
[OCR]
NO_TEXT
Target country: Philippines
Target country: Greece
Target country: Poland
Target country: Switzerland
Target country: Italy